dzme1530.ph

PH athletes, coaches na lumahok sa 2024 Paris Olympics, pinasalamatan ni HS Romualdez

Sa pagtatapos ng 2024 Paris Olympics, nagpaabot ng pagbati at pasasalamat sa mga atleta at coaches si House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Romualdez, ang two gold at two bronze medals na nakamit ng Philippine team na 37th rank sa pagtatapos ng Olimpiyada ay sumisimbulo sa hindi matatawarang dedikasyon at sakripisyo ng mga atleta.

100-taon umano ang hinintay ng Pilipinas bago nakamit ang tagumpay sa global stage, at ito ay dahil sa twin gold medals sa gymnastics ni Carlos Yulo, at bronze medal nina Pinay boxer Nesthy Petecio at Aira Villegas.

Bigo mang maabot ang podium finish pinuri at pinasalamatan din ni Romualdez sina EJ Obiena ng Pole Vault at Bianca Pagdanganan ng Golf sa ipinamalas nitong dedikasyon na nagbigay inspirasyon sa milyong kababayang Pilipino.

Maging ang iba pang atleta at coaching staff na naging bahagi ng historic Paris Olympics ay binati at pinasalamatan din nito, kasabay ng pagsasabi na ‘ang inyong pagsisikap, dedikasyon at commitment’ ay nagbigay din ng karangalan sa ating bansa.

About The Author