dzme1530.ph

International Humanitarian Law Day, ipinagdiriwang ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayong araw, Aug. 12, ang pagkakapasa ng International Humanitarian Law.

Sa ilalim ng IHL, papatawan ng karampatang parusa ang sinumang masasangkot sa krimen gaya ng genocide, war crimes gayundin ang crimes against humanity.

Naipasa ang nasabing batas ng European Union na inadopt sa Pilipinas, salig sa Republic Act 9851 noong 2009, na nagtataguyod sa mga karapatan ng bawat indibidwal lalo na sa mga panahong laganap ang karahasan sa lipunan.

Kasabay ng pagdiriwang, isang programa ang isinagawa sa Camp Aguinaldo sa pangunguna nina Defense sec. Gilberto Teodoro Jr. at Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo.—ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author