dzme1530.ph

Holidays, ‘di babawasan pero ‘di na daragdagan — Senate President Escudero

Nilinaw ni Senate President Francis Escudero na hindi nila babawasan bagkus wala na silang balak dagdagan pa ang mga national holiday sa bansa.

Sinabi ni Escudero na sa kasalukuyang kung susumahin ay halos nasa isang buwan ang holidays sa bansa na nakaaapekto sa mga gastusin ng employers.

Ipinaliwanag ni Escudero na ang polisiya nila ngayon ay huwag nang dagdagan pa ang mga holiday upang hindi na maging pabigat sa mga employer at masolusyunan ang pagiging less competitive ng mga manggagawa.

Idinagdag pa ng Senate President na isa sa dahilan kaya naungusan na ang Pilipinas ng India sa BPO industry sa buong mundo ay dahil mas mura at hindi kasimbigat ang binabayaran bukod pa sa mas mataas pa kuryente sa Piipinas.

Binigyang-diin ni Escudero na sa ngayon ay hindi rin kakayanin ng Senado na isulong ang pagbabawas ng holiday dahil marami silang panukalang dapat na bigyang prayoridad.

About The Author