dzme1530.ph

PCSO GM Mel Robles kinasuhan ang Vlogger na si ‘Maharlika’ ng Defamation, Invasion of Privacy

Kinasuhan ni PCSO General Manager Mel Robles ng Defamation at Invasion of Privacy ang Vlogger na si Claire Contreras o mas kilala bilang ‘Maharlika’ sa Central District Court ng California sa Estados Unidos.

Nagpagdesisyunan nilang mag-asawa na magsampa ng kaso laban kay ‘Maharlika’ upang depensahan ang reputasyon, pangalan at dignidad ng kanilang pamilya dahil sa paulit-ulit nitong pagpapakalat ng fake news sa Youtube Channel nitong Boldyak TV.

Kabilang sa mga alegasyon ni Maharlika laban kay Robles ay ang pagnanakaw umano nito ng pera ng bayan, contract killing at pagtulong sa mga terorista.

Ayon kay Robles, halos isang taon na silang inaatake ni Maharlika sa mga vlog nito kaya panahon na para maghangad sila ng hustisya dahil wala pa ring tigil ang pagbabato ni Maharlika ng mga akusasyong walang basehan at pawang kasinungalingan.

“For the longest time, we tried to keep our peace, fully aware that her accusations were nothing but sheer lies and fabrications—products of her vile imagination and hateful heart,” [Sa mahabang panahon, kami ay nanahimik dahil alam namin na walang basehan ang kanyang mga akusayon at pawing gawa-gawa lamang…produkto ng kanyang poot at imahinasyon.] saad ni Robles

Samantala, una nang nagsampa ng kaso laban kay Maharlika ang ilang personalidad kabilang ang International designer na si Puey Quiñones, na inakusahan ni Maharlika na gumagawa ng mga counterfeit design. Nagsampa rin ng kasong cyber libel sa Pampanga RTC si Veteran Broadcaster Anthony Taberna laban kay Maharlika dahil inakusahan nitong hindi nagbabayad ng buwis at paninirang-puri nito sa Anak ni Taberna.

About The Author