Mawawalan ng suplay ng tubig ang nasa 227,000 service connections o 14% ng total customers na sineserbisyuhan ng Maynilad sa susunod na linggo.
Ito ay bunsod ng nakatakdang maintenance activities and repair ng Maynilad sa Putatan Pumping Station sa Muntinlupa.
Ayon kay Maynilad Media Relations Head Madel Zaide, makararanas ng water service interruption mula 12:01 a.m. ng august 5 hanggang 11 am ng August 6, ang ilang mga lugar sa Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, Pasay, Bacoor at Imus Cavite.
Tiniyak naman ng nasabing water concessionaire na may mahigit 100 water tankers silang paiikutin sa mga apektadong lugar.
Pinapayuhan naman ng Maynilad ang mga maaapektuhan nilang customers na mag-imbak ng tubig.