Ipinasisilip ng senado ang posibilidad na overloaded ang MT Princess Empress kaya lumubog ito noong Pebrero matapos hampasin ng malalaking alon.
Base sa mga isinagawang imbestigasyon, nabulgar na hindi pala 800,000 litro ng industrial oil ang karga nito kundi 991,984 litro.
Mayron din umanong naka-obserba na mabagal na ang andar ng sasakyang pandagat bago pa ito lumubog.
Indikasyon umano ito na mabigat ang karga ng naturang barko.
Kamakailan ay inamin ng may-ari ng barko na siyam pa beses na silang naka-biyahe nang walang permit.