Isang magnitude 7.1 na lindol ang tumama sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat kaninang 10:13 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 722 kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV na pagyanig sa Jose Abad Santos, Davao Occidental; Intensity III sa Mati City, Davao Oriental; at Glan, Sarangani; Intensity II naman sa Maragusan, Davao de Oro; Tagum City, Davao del Norte; Libungan, at Tulunan, sa Cotabato, Kiamba, Maitum, at Malapatan, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato at General Santos City.
Habang naiulat naman ang Intensity I sa Davao City, Tantangan, South Cotabato at Lebak, Sultan Kudarat.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala subalit posible ang aftershocks matapos ang naganap na pagyanig.