Pinag-aaralan pa rin ng Department of Energy ang panukala na magtayo ng sariling 500-megawatt na power plant ang pamahalaan.
Una nang iminungkahi ni dating Energy Sec. Jericho Petilla na maaring gamitin ang power plant kapag nakataas ang red o yellow alerts bunsod ng manipis na reserbang kuryente.
Gayunman, ipinaliwanag ni Energy Asec. Mario Marasigan na alinsunod sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA Law), walang karapatan ang gobyerno na magtayo ng bagong power plants.
Ito aniya ay dahil mga pribadong sektor lamang ang maaring magtayo ng mga planta, lalo na bilang komersiyo.
Nilinaw naman ni Marasigan na handa silang umapela sa Kongreso para maamyendahan ang batas.