dzme1530.ph

Mga krimen at paglabag sa batas kaugnay sa POGO, iimbestigahan sa Kamara

Inatasan na ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez ang Kamara na maglunsad ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa iba’t ibang krimen na kinasasangkutan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Nabahala si Romualdez sa patuloy na operasyon ng mga iligal na POGO sa kabila nang mahigpit na regulasyon.

Taliwas aniya ito sa polisiya ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na sugpuin ang lahat ng iligal na gawain sa bansa.

Hindi aniya sila papayag na magpatuloy sa kanilang gawain ang mga iligal, kaya panahon na para hubaran sila ng maskara at papanagutin sa batas.

Pinatututukan ni Romualdez sa utos nitong imbestigasyon ang iba’t ibang krimen kabilang ang money laundering, human trafficking at iba pang iligal na nangyayari sa mga POGO hubs.

Nais din nitong epektibong maipatupad ang mga regulasyon at malaman kung paano nakalulusot ang mga iligal na POGO sa kabila ng mahigpit na regulasyong pinaiiral sa bansa.

About The Author