dzme1530.ph

3.7 toneladang iligal na droga, sinunog ng PDEA

Nasa P19.9-B halaga ng iligal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite.

Ayon sa PDEA, ang mga winasak na pinagbabawal na gamot ay nakumpiska mula sa iba’t-ibang anti-drug operations na isinagawa ng ahensiya.

Sa datos ng PDEA, ito ang pinakamaraming dangerous drugs at Controlled Precursors and Essential Chemicals (CPECs) na kanilang sinira, matapos umabot sa 3.7 toneladang iligal na droga ang kanilang nadispatya.

About The Author