dzme1530.ph

Kakarampot na 35 pisong dagdag-sahod, kinundena ng GABRIELA

Kinundena ng Gabriela Partylist at tinawag na insulto ang inaprubahang P35 minimum wage increase para sa National Capital Region (NCR).

Tanong ni Rep. Arlene Brosas kung paano magkakasya ang P645 pisong arawang kita ng mga manggagawa sa NCR samantala ang inirerekominda ng Family Living Wage ay P1,200 piso na.

Isang ‘hampaslupa’ para kay Brosas ang tingin ng gobyerno sa mga manggagawa nang aprubahan ang P35 wage increase na magiging epektibo sa darating na Hunyo 17.

Sa harap nito, iginiit ng GABRIELA ang pagsasabatas sa House Bill 7568, o ang P750 across-the-board wage hike bill na tanging daan para sa isang disente at may dignidad na kita ng bawat pamilyang Pilipino.

Ngayon pa lamang ay nagbanta na si Brosas na sa darating na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay sasabayan nila ito ng kilos-protesta para ipanawagan ang nakabubuhay na sahod para sa manggagawang Pilipino.

About The Author