Muling magpapatupad ng panibagong taas presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpaniya ng langis bukas, July 2.
Base sa pinakahuling tala ng mga taga industriya ng langis, may ₱0.95 na dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
₱0.65 naman sa kada litro ng diesel habang ₱0.35 ang taas-singil sa kada litro ng kerosene.
Ang naturang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay sinasabing bunsod ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, pagbabawas ng produksyon ng OPEC+, at pagtaas ng demand ng langis sa United States.