Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang status ng Bulkang Mayon sa alert level 1 o low level of unrest mula sa alert level 2 o moderate level of unrest.
Nabatid na ang alert level 1 ay indikasyon nang maliit na tyansa ng biglaang pagputok ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, nakitaan nila ng mababang aktibidad, ground deformation, at volcanic gas emission ang Bulkang Mayon para isailalim ito sa nasabing alert level.
Pero, anila hindi ito nagpapakita na tuluyan nang nawala ang banta ng pagsabog at maaari muli itong itaas sa alert 2.
Matatandaang na huling pumutok ang naturang bulkan noong 2018 kung saan umabot sa halos 80,000 na residente ang inilikas.