Inaasahang lalago ang franchising sector sa bansa ng 12% hanggang 15% ngayong taon, ayon sa Philippine Franchise Association (PFA).
Sinabi ni PFA Chairperson Sheril Quintana na ang paglago ay magmumula sa expansion ng homegrown brands sa Pilipinas at sa iba’t ibang mga bansa at teritoryo sa buong mundo.
Inihayag naman ni PFA Chairman Emeritus Samie Lim na may mga oportunidad para sa Philippine brands na mag-expand sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Association of Southeast Asian Nations Member States.
May posibilidad din aniya na lumagpas pa sa 15% ang paglago sa franchising industry kasabay ng pagrekober ng ekonomiya mula sa pandemya.
Sa bahagi naman ni PFA President Sam Christopher Lim, ibinida nito na nakalikha ang franchising sector ng mahigit dalawang milyong direct at indirect jobs.