Hinimok ni Senator Riza Hontiveros ang Pangulong Bongbong Marcos na magsalita tungkol sa mga nagaganap na pagpatay sa mga mamamahayag na gaya ni Percy Lapid.
Ayon sa senadora, kailangangan ng mga mamamahayag ng proteksiyon at malaki ang magiging epekto nito kung mismong pangulo ang masasabi nito tuloy ay hikayatin na din na pangulo ang mga mamamahayag na magpatuloy sa paghahatid ng katotohanan.
Ang pangulo, sabi ni Hontiveros, ay dapat na makipag-usap ng direkta sa militar at paalalahanan ang mga ito na ang kanilang mandato ay para sa kaligtasan ng mamamayang Pilipino.
Kamakailan ay sinampahan na ng kaso si suspended BuCor Chief Gerald Bantag kaugnay sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.