dzme1530.ph

252k bags ng NFA rice, ilalabas para sa “Bigas 29” program ng pamahalaan

Nasa 12,600 metric tons na initial stock ng bigas ang ibebenta ng National Food Authority sa Dep’t of Agriculture para sa “Bigas 29” program ng pamahalaan.

Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, katumbas ito ng 252,000 bags o sako ng bigas.

Kasama aniya sa mandato ng NFA ang pagre-release ng aging rice stock bago ito maging “unfit for human consumption”, bukod rito, naglalabas din sila ng bigas tuwing may kalamidad at emergencies.

Ayon sa NFA official may buffer stock na “143,000 metric tons of equivalent milled rice” ang bansa na maaaring magamit sakaling magkaroon ng emergencies.

Sa bilang, kaya umano nitong makapag-supply ng NFA rice sa buong Pilipinas sa loob ng apat na araw.

About The Author