Hinikayat ni Basic Education Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang gobyerno na suportahan ang mga batang ina na nagpapatuloy sa pag-aaral.
Sinabi ni Gatchalian na mahalaga rin na tutukan ang pagbabalik ng mga teen moms sa education system gaya ng ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang teenage pregnancy.
Binigyang diin pa ng senador ang papel ng Alternative Learning System (ALS) sa pagpapatuloy ng mga batang ina sa kanilang pag-aaral bilang kanilang pangalawang pagkakataon para magkaroon ng magandang kinabukasan.
Matatandaang inisponsoran ni Gatchalian ang ALS na may layong bigyan ng tsansa ang mga “out-of-school children” at indigenous people na mapaghusay ang kanilang basic at functional literacy.