Aabot sa 20, 322 ang bilang ng napatay na indibidwal sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Human Rights Lawyer Atty. Chel Diokno ang naturang bilang ay mula umano sa 2017 Year-End Accomplishment Report ng Office of the President na pinamumunuan noon ni Pang. Rodrigo Duterte.
3, 967 ang napatay sa police operation, habang 16, 355 ang pinatay umano ng riding-in- tandem sa pagitan ng July 1, 2016 hanggang November 27, 2017.
Sinabi ni Diokno na nagdala ito ng 39.46 daily average deaths ng drug suspects.
Sa bilang ng mga nasawi, dalawa lamang ang nakasuhan at 52 kaso ang patuloy na iniimbestigahan.
Samantala, kinuwestiyon naman ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea ang prinisentang numero ni Diokno at sinabing pabagu-bago na umano ang naitatalang bilang na nagsimula lang sa anim na libo.
“There were various figures floated – 6,000, 30,000 and now more than 20,000. We don’t know anymore which to believe,” sabi ni Medialdea.
Batay sa rekord ng gobyerno, 6,200 drug suspects ang napaslang sa anti-drug campaign ng dating administrasyon, habang nakapagtala naman ng nasa 30,000 deaths ang human rights groups.