dzme1530.ph

Bagyo sa labas ng bansa, binabantayan ng PAGASA; lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy sa pagbaba

Patuloy na minomonitor ng PAGASA ang tropical depression na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ang bagyo alas-5 kaninang umaga sa layong 955 kilometers kanluran ng Northern Luzon na may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo patungong China sa bilis na 10 kilometers per hour.

Samantala, sa kabila ng panaka-nakang pag-ulan, muli na namang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat dam.

Batay sa inilabas na dam update ng PAGASA Hydrometeorology Division kaninang alas-8 ng umaga, bumaba sa 179.56 meters ang antas ng tubig sa naturang dam.

Mula ito sa 179.70 meters na naitala noong nakaraang araw.

Bukod naman sa Angat dam, nabawasan rin ang lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dam.

About The Author