Arestado ng mga awtoridad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang isang miyembro ng sangguniang bayan dahil sa paglabag sa Anti-Terrorism Law.
Kinilala ang suspek na si Abdulwadod Sangki, miyembro ng Sangguniang Bayan ng Ampatuan, Maguindanao Del Sur na dinakip sa bisa ng warrant of arrest na may kasong paglabag sa RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.
Ayon kay BGen. John Guyguyon, Police Regional Director ng BARMM, si Sangki ay itinurong sangkot sa insidente ng pambobomba noong Mayo 9, 2022 National and Local Elections sa Datu Abdullah Sangki Elementary School, Barangay Poblacion, Ampatuan, Maguindanao.
Kararating lamang ni Sangki galing sa 11th Councilors League 2023 National Convention na ginanap sa World Trade Center sa Pasay City nang dakpin ito sa Cotabato Airport, bandang ala-1:00 ng hapon.