Hihilingin ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magtalaga ito ng opisyal na mangangasiwa sa operasyon oil spill clean-up sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, chairperson ng naturang kumite na susulat sila kay PBBM bilang pagtugon sa suhestyon ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na makabubuting may isang opisyal na nakatutok sa operasyon dahil mas magiging maayos ang takbo ng operasyon kung may isang taong mangangasiwa sa lahat ng hakbangin.
Sinabi naman ni Villar na posibleng italaga si Department of National Defense Officer-In-Charge Carlito Galvez Jr. na pinuno ng operasyon.
Idinagdag ni Villar na maging si Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor ay nagnanais na mayroong isang taong maging in-charge at magkokontrol ang direksyon ng bawat hakbangin.