dzme1530.ph

Mahigit 8,800 indibidwal, lumikas sa evacuation centers dahil sa bagyong Aghon

Umabot sa 8,800 indibidwal ang lumikas sa evacuation centers sa harap ng pananalasa ng bagyong Aghon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DSWD Assistant Sec. Irene Dumlao na mahigit 2,500 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 165 limang evacuation centers.

Kabilang dito ang 2200 pamilya mula CALABARZON, mahigit 200 sa MIMAROPA, at 43 pamilya sa Bicol region partikular sa Camarines Sur.

Samantala, 615 pamilya rin ang pansamantala namang naninirahan sa mga kaanak o kaibigan sa Laguna at Quezon, 219 sa Marinduque, at 465 families sa Eastern Samar, Northern Samar, at Western Samar.

Nasira naman ang 22 bahay kabilang ang 4 na totally damaged, at 18 partially damaged mula sa Camarines Norte at Samar Provinces.

Kaugnay dito, nagpalabas na ang DSWD ng mahigit P1.3-million na halaga ng family food packs at non-food items para sa mga apektadong residente.

About The Author