Pinakikilos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan at emergency services ng gobyerno sa harap ng pananalasa ng bagyong Aghon.
Sa social media post, inatasan ng pangulo ang mga LGU, emergency response units, at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno na i-monitor ang sitwasyon at maghatid ng mga kina-kailangang tulong.
Tiniyak din nito na inihahanda na ang lahat ng food at non-food items, health services, at evacuation centers para sa mga apektadong komunidad.
Pinayuhan ng pangulo ang mga residente na maging alerto at unahin ang kaligtasan, at isinulong nito ang pagtutulungan upang sama-samang malagpasan ang kalamidad.