dzme1530.ph

Signal no. 1, itinaas sa 17 lugar sa PH dahil sa TD Aghon

Patuloy na binabaybay ng tropical depression “Aghon” ang bisinidad ng Samar sea.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa coastal waters ng Calbayog City, Samar at may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 85 kilometro kada oras.

Dahil dito, itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 sa Aurora; Polillo Islands; Northern at Southeastern Portion ng Quezon;

Eastern portion ng Romblon, at Marinduque; Camarines Norte; Camarines Sur; Catanduanes; Albay; Sorsogon; Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands; Northern Samar; Samar; Eastern Samar; Biliran; Northern Portion ng Leyte; at extreme northern portion of Cebu.

Dahil pa rin sa bagyo, kung kaya’t nagpatupad na ng preventive evacuation ang ilang munisipalidad sa Southern Leyte, Eastern Samar, at Western Samar upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa flood at landslide-prone areas.

Sa ngayon mayroon ng aabot sa 600 indibidwal ang naiulat na-stranded sa mga pantalan ng Eastern Visayas.

Ayon naman sa Manila International Airport Authority, may ilang flights na rin ang nakansela ngayong araw dulot ng masamang panahon.

About The Author