dzme1530.ph

Mayorya ng mga Pinoy, nais pa ring mag-travel sa kabila ng inflation

Halos 90% ng mga Pinoy ang nais pa ring mag-travel sa kabila ng tumataas na inflation.

Batay sa survey na isinagawa ng travel e-commerce platform na Klook sa huling bahagi ng taong 2022, 87% ng mga Pinoy ang mas naging “intentional” kung paano at saan ng mga ito gagastusin ang kanilang pera.

Sa nasabing bilang, 44% ng Filipino outbound travelers ang nais magbakasyon ng anim hanggang siyam na araw, 40% ang tatlo hanggang limang araw, at 38% ang isa hanggang dalawang araw.

Lumobo naman sa 87% ang domestic booking, matapos luwagan ng pamahalaan ang COVID-19 restrictions kung saan nangunguna pa rin ang Boracay sa mga tourist spots na madalas pinupuntahan, sinundan ito ng Tagaytay, Cebu, Clark at Subic.

About The Author