dzme1530.ph

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair naghatid ng tulong at serbisyo sa BARMM

Pinangunahan ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez ang 2-day Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa munisipalidad ng Bongao, Tawi-Tawi.

Umabot sa 700-milyong pisong halaga ng cash at serbisyo ang ipamamahagi sa 135,000 beneficiaries na kauna-unahan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Romualdez bagaman at may kalayuan ang Tawi-Tawi, hindi ito naging hadlang lalo pa at programa ito ni Pang. Bongbong Marcos, Jr.

Ang BPSF Tawi-Tawi edition ay kinapapalooban ng 199 services mula sa 40 participating national gov’t agencies.

P319-M ang ipinamahaging cash assistance ng DSWD sa ilalim ng AICS program, TESDA sa livelihood assistance, at CHED naman sa iba’t ibang scholarship programs.

Dumalo rin sa BPSF activities ang 95 kongresista, na siya nang highest attendance sa pitung (7) kahalintulad na aktibidad sa Mindanao at ika-18 sa buong bansa.

About The Author