Hiniling ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte sa kongreso salig sa House Resolution 1745 na imbestigahan ang totoong sitwasyon ng Extra Judicial Killings (EJK) at Human Rights Abuses sa bansa sa nagdaang 25 taon.
Ayon kay Pulong, hindi tama na ang EJK at Human Rights Abuses lamang sa Davao ang iniimbestigahan dahil napakaraming lugar ang may ganito ring kaganapan.
Aniya, base sa reliable reports kabilang ang US Department of State at Amnesty International, nananatiling problema sa Pilipinas ang EJK at karamihan nito ay may drug-related na tumaas noong 2023 sa termino na ni PBBM.
Sa ulat din umano ng Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG) at iba pang law enforcement agencies, ang mga siyudad ng Maynila, Cebu at Quezon City ang may pinakamataas na kaso ng EJK at Human Rights Violations.
Matatandaan na nito lamang Martes, Mayo abente-uno, ikinasa ng House Committee on Human Rights na pinamumunuan ni Manila Congressman Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang imbestigasyon sa EJK na nakasandal sa inilunsad na War on Drugs ng Duterte Administration.