Inisponsoran na ni Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform Chairperson Cynthia Villar sa plenaryo ng senado ang committee report sa isinagawang imbestigasyon sa mataas na presyo ng sibuyas sa merkado.
Pangunahing inirekomenda ng komite ang pag-amyenda sa Republic Act no. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.
Ito ay upang maisama sa mga krimeng may kinalaman sa economic sabotage ang profiteering, hoarding at smuggling.
Isinusulong din ang pagbuo ng “Anti-Agricultural Smuggling Task Force;” at Special Court na tututok sa pagdinig sa mga kaso ng economic sabotage.
Dagdag ni Villar, panahon na upang magkaroon ng task force at smuggling court upang magkaroon ng watchdog sa agricultural sector.