Inaasahang magpapatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kompaniya ng langis bukas, May 14.
Ayon sa ilang oil industry players, nasa P1.90 centavos hanggang P2.10 centavos ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
May P0.50 centavos hanggang P0.70 centavos na tapyas-presyo naman sa kada litro ng diesel.
Una nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na posibleng magkaroon ng nobenta sentimos hanggang piso na rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Sa tala ng DOE, as of May 7, ang net increase ng year to date adjustment sa gasolina ay P9.25 centavos per liter, P4.70 centavos sa kada litro ng diesel; habang may P0.80 centavos per liter naman na net decrease sa kerosene.