dzme1530.ph

Kaso ng tigdas sa Pilipinas, tumaas ngayong taon

Tumaas ng halos limang beses ang kaso ng tigdas at “german measles” o tigdas-hangin sa bansa ngayong taon.

Batay sa inilabas na datos ng DOH, nasa 2,264 na kaso ng measles ang naitala sa bansa mula January 1 hanggang April 27.

Ito’y mas mataas kumpara sa 397 na kasong naitala sa kaparehong panahon, noong 2023.

Isa sa nakikitang dahilan ng kagawaran ng pagtaas ng mga kaso ay ang mababang immunization rate laban sa tigdas.

Karaniwan anilang dinadapuan ng sakit ang mga hindi pa bakunadong indibidwal, buntis, sanggol na wala pang 6 na buwang gulang at mga may mahinang immune system.

About The Author