Pinangunahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial turn-over ng mga dibidendo ng Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC).
Ito ay kasabay ng 2024 GOCCs’ day na ginanap ngayong Lunes.
Alas nuwebe ng umaga nang dumating ang pangulo sa Philippine International Convention Center sa Pasay City para sa seremonya.
Bukod sa pangulo, dumalo rin sina Executive Sec. Lucas Bersamin, Finance Sec. Ralph Recto, at mga kinatawan ng bawat GOCC.
Bukod sa ceremonial turn-over ng dividends, kikilalanin din ang ambag ng GOCCs sa non-tax revenues, na ginagamit sa development ng bansa.
Sa ngayon ay umabot na sa 88.56 billion pesos ang nakolektang dibidendo mula sa 47 na GOCCs ngayong taon.