dzme1530.ph

Ilang grupo nagsampa ng kaso laban sa Manila Bay Reclamation

Nagsampa ng kasong administratibo ang grupong National Federation of Small Fisherfolk Organization o PAMALAKAYA Pilipinas at Kalikasan People’s Network for the Environment sa Philippine Reclamation Authority (PRA) para tutulan ang isinasagawang reclamation at dredging activity sa Manila Bay.

Nais tutulan ng mga petitioner ang reclamation at dredging activities sa Manila Bay dahil maaari itong magdulot ng masamang epekto sa coastal communities na nasa paligid ng Manila Bay.

Ayon kay PAMALAKAYA National Chairperson Fernando Hicap, napapanahon na para pormal na kwestyunin ang legalidad ng isinasagawang reclamation at dredging projects sa Manila Bay.

Karamihan umano sa mga proyekto ay nakakuha ng mga kinakailangang dokumento ngunit hindi naman ito nangangahulugan na sila ay dumaan sa tamang proseso tulad ng pagsasagawa ng sa public consultation at evaluation.

Dagdag pa ni Hicap na papanagutan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Reclamation Authority (PRA) na protektahan ang mga mangingisda at residente na nasa baybayin sa Manila Bay sa posibleng pinsala at epekto sa pamumuhay at kabuhayan ng mga maaapektuhan ng Manila Bay reclamation.

About The Author