dzme1530.ph

Fire incidents sa bansa, tumaas ng 36%

Tumaas ng higit 30% ang naitalang sunog sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa unang quarter ng taon.

Ayon sa Bureau of Fire Protections, may kabuuang 8, 189 bilang ng Fire Incidents sa bansa simula January 1 hanggang kahapon, April 25.

36% anila itong mas mataas kumpara sa 6,020 kasong naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sinabi pa ng BFP na karaniwang sanhi ng sunog ay nag overheat o overused na electric fan.

Sa ngayon, aabot anila sa 100 munisipalidad sa bansa ang walang sapat na Fire Trucks at Fire Stations.

About The Author