dzme1530.ph

Mas maraming red at yellow alert sa bansa, aasahan pa hanggang Mayo

Posible pang magpatuloy ang yellow at red alerts sa Mayo dulot ng mataas na demand sa kuryente ayon sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ni DOE Usec. Rowena Cristina Guevarra, na nakadepende ang mga unscheduled outages sa estado ng mga planta, kung maabot nito ang red alert status.

Matatandaang isinailalim ang Luzon at Visayas grid sa yellow alert status kahapon, dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, nasa 14,568 megawatts ang kapasidad ng mga planta ng kuryente habang, aabot sa 13,941 megawatts ang peak demand sa Luzon grid.

Nasa 2,829 megawatts naman ang available capacity sa Visayas grid na may peak demand na 2,555 megawatts.

About The Author