Naniniwala ang Joint Task Force (JTF) Negros na dating sundalo ang nagplano ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay JTF Negros Spokesperson Maj. Cenon Pancito III, base sa kilos at base sa training, may dahilan para maniwala silang ito ay dating miyembro ng Philippine Army.
Sabi pa ni Pancito, malinaw na ang 10 kataong ito ay hindi kumikilos nang sila lamang sa halip ay may support system na kailangan din nilang tingnan.
Ani Pancito, walang pangalang ibinigay ang mga suspek na utak ng pagpatay, bagay na sa kasalukuyan ay iniimbestigahan na rin ng Special Investigation Task Group ang kaugnayan ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dito.
Sa pinakahuling ulat, anim na ang naaresto na may kaugnayan sa pagpatay kabilang ang isang nasawi samantalang apat na iba pa ang pinaghahanap.