dzme1530.ph

Benta ng mga sasakyan sa bansa noong Pebrero, tumaas ng 27.2%

Positibo ang local automotive manufacturers na malalagpasan nila ang pre-pandemic sales level ngayong taon ng hanggang 15% growth.

Sa joint report, inihayag ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA), na inaasahan nilang papalo sa 395,000 units ang kanilang sales ngayong 2023.

Ito’y matapos makapagtala ang industriya ng 30,905 units na naibenta noong Pebrero, mas mataas ng 27.2% mula sa 24,304 units na naibenta sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Mas mataas din ito ng 4.8% kumpara sa 29,494 units na naibenta noong Enero.

Sinabi ni CAMPI President, Atty. Rommel Gutierrez na malinaw itong indicator ng tuloy-tuloy na pag-usad ng auto industry mula sa epekto ng pandemya.

About The Author