dzme1530.ph

Satellite Voter’s Registration sa OFW Tulong at Serbisyo Center, inilunsad

Hinikayat ni OFW Partylist Representative Marissa Del Mar Magsino ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na magparehistro para aktibong makalahok sa ‘internet voting’ sa darating na 2025 Midterm election.

Ang OFW Partylist at Commission on Elections (Comelec) ay nagsanib pwersa para ilunsad ang Satellite Voter’s Registration sa OFW Tulong at Serbisyo Center sa Ayala Malls, Manila Bay.

Bahagi ito ng Registration Anywhere Program ng Comelec para sa mga local voters at Field Registration Center bilang paghahanda sa 2025 Midterm Elections ng mga botante na nasa labas ng bansa.

Ito ang unang pagkakataon na makakaboto ang mga OFWs na siya namang ipinaglaban ni Rep. Marissa “Del Mar” Magsino.

Sa datos ng Commission on Elections -Office for Overseas Voting, as of February nasa 1.1-million overseas voters na ang rehistrado subalit nais pa itong pataasin dahil tinatayang hindi bababa sa 10-milyon ang mga Pilipino na nasa ibayong dagat.

About The Author