Muling magpapatupad ng 2-day transport strike ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) sa susunod na linggo.
Sa isinagawang picket rally ng PISTON sa harap ng Supreme Court (SC), sinabi ng deputy secretary ng grupo na si Ruben “Bong” Baylon, na umaasa pa rin silang maglababas ng TRO ang kataas-taasang hukuman para panigan ang mga mamamayan.
Dito kinumpirma rin ng grupo ang panibagong tigil-pasada sa Abril 29, Lunes, at 30, Martes, kung hindi pakikinggan ng pamahalaan ang kanilang hinaing kontra Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ang transport strike ay lalahukan umano ng 250,000 PISTON members sa buong bansa.
Matatandaang, April 15 at 16 ng unang isagawa ng grupo at ng MANIBELA ang tigil-pasada, bilang kanilang pagtutol sa April 30 consolidation deadline.