Pinuna ng isang grupo ng mga magsasaka ang Department of Agriculture (DA) sa pagiging mabagal sa pagtugon sa African Swine Fever (ASF) outbreak sa bansa.
Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So na kaugnay ito sa pagtatayo ng first border facility na susuri sa mga kargamento o produkto na magmumula sa ibang bansa.
Ipinabatid pa ni So na nag-alok ang pribadong sektor ng 10 ektarya ng lupain para sa pagtatayo ng isang ektaryang border facility pero problema rito ang Memorandum of Agreement (MOA).