dzme1530.ph

Pananabotahe sa pagbagsak ng power plants, ibinasura ng energy department

Walang nakikitang pananabotahe ang Department of Energy (DOE) hinggil sa pagbagsak ng ilang planta ng kuryente sa bansa, sa gitna ng umiinit na temperatura.

Ipinaliwanag ni DOE Assistant Secretary Mario Marasigan na mataas lang talaga ang demand sa kuryente at nakaka-stress aniya ito sa system dahil napipilitan ang mga planta na mag-produce ng hanggang sa kanilang makakaya, pero dahil sa sobrang init ay hindi inaasahan ang pagkakaroon ng mga problema.

Sinabi pa ni Marasigan na nagpadala rin ng reports ang mga planta at ilan pang mga ebidensya hinggil na naputol na operasyon at iba pang internal problems, na umano’y sapat na dahilan para magdulot ng problema sa pag-operate ng full capacity.

Idinagdag ng opisyal na ngayong linggo ay walang inaasahang yellow o red alerts sa power grid ng bansa, dahil nananatili aniya sa normal condition ang supply ng kuryente.

About The Author