Ang pagkakaroon ng maitim na labi at dry lips ay dahil sa ultraviolet rays ng araw, paninigarilyo, pag-inom ng mga may kulay na inumin tulad ng kape, tsaa o kaya naman ay nasa lahi.
Narito ang ilang paraan para paputiin, mag-pink o pumula ang iyong labi.
Una, ang paggamit ng asukal at butter scrub bilang exfoliant ay nakatutulong para tanggalin ang dead cells sa ibabaw ng labi.
Pangalawa, ang kalamansi o lemon ay mayroong natural bleaching o pampaputi ng labi at dark spots. Kailangan lamang pigain at i-masahe ang juice sa labi bago matulog.
Panghuli, maaari ring maglagay ng honey sa labi at ibabad ito nang magdamag.
Ang honey ay may antimicrobial at inflammatory properties na makatutulong upang gumaling ang chapped at dry lips.