dzme1530.ph

Red at Yellow Alert status, Itinaas sa Luzon at Visayas Grid.

Isinailalim pa rin ng National Grid Corporation of the Philippines (NCGP) sa Red at Yellow Alert status ang Luzon grid ngayong araw.

Ayon sa NGCP, itataas ang Red alert mamayang alas-tres hanggang alas-kwatro ng hapon at alas-sais hanggang alas-dyes ng gabi.

Isinailalim din ang Luzon grid sa Yellow alert kaninang alas-dose ng tanghali hanggang mamayang alas-tres ng hapon, alas-kwatro hanggang alas-sais ng gabi, at alas-dyes hanggang alas-onse ng gabi.

Bunsod ito ng Forced outage sa 19 Power plants na naging sanhi ng pagnipis ng reserba sa kuryente.

Samantala, itinaas din ang Yellow alert status sa Visayas grid kaninang alas-dose ng tanghali hanggang alas-kwatro ng hapon, at mula alas-singko hanggang alas-otso ng gabi dahil sa forced outage sa 13 power plants.

About The Author