dzme1530.ph

Banta sa seguridad ng presensya ng foreign entities sa power systems ng bansa, pinawi sa MOU ng NGCP, NICA

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang nilagdaang Memorandum of Understanding ng National Grid Corp. of the Philippines at National Intelligence Coordinating Agency para sa Cybersecurity, ay papawi sa banta sa seguridad na maaaring dalhin ng pagpasok ng foreign entities sa power transmission system ng bansa.

Sa MOU signing ceremony sa Malacañang, inihayag ng Pangulo na patuloy na pinalalakas ang cyber systems ng Pilipinas.

Sa pangunguna umano ng NGCP ay pinaigting ang depensa laban sa anumang posibleng pag-atake sa power systems at sa iba pang bagay na may kinalaman sa paggamit ng kuryente at pagpapalitan ng impormasyon ng mga Pilipino.

Samantala, sinabi rin ng Pangulo na malaki ang maitutulong ng MOU sa intelligence services ng NICA.

Mababatid na ipinalutang ng mga kritiko ang posibleng pag-kontrol ng China sa operasyon ng kuryente sa bansa dahil sa shares ng Chinese State Grid Corp. sa NGCP.

About The Author