Irerekomenda ng Department of Migrant Workers (DMW) na i-classify bilang “high-risk area” para sa seafaring activities ang Strait of Hormuz, kasunod ng pagkumpiska ng Iran sa Israel-linked ship na may lulang apat na tripulanteng Pilipino.
Binigyang-diin ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na ang pagtiyak sa kaligtasan at kapakanan ng Filipino seafarers ay hindi lamang prayoridad, kundi kanila ring misyon.
Ang mga lugar na ikinu-konsidera high-risk areas ng International Bargaining Forum (IBF) ay mayroong mas maigting na security patrols ng regional authorities, mandatory requirements para sa mga barko na daraan sa lugar, at rekomendasyon para sa mga alternatibong ruta.
Itinalaga ng IBF ang Gulf of Aden bilang high-risk area habang ang Red Sea ay kabilang sa “war-like zones.”