dzme1530.ph

Merapi Volcano sa Indonesia, sumabog; mga lugar na malapit sa bulkan, nabalot ng abo

Muling pumutok ang Mount Merapi sa Indonesia na isa sa World’s Most Active Volcanoes, dahilan para mabalot ng usok at abo ang ilang lugar na malapit sa bunganga ng bulkan.

Ayon sa Disaster Mitigation Agency sa Indonesia, wala pang naiulat na nasawi subalit nabalot ng abo ang mga kabahayan at kalsada sa mga lugar na malapit sa Mount Merapi, na matatagpuan sa Java Island, malapit sa Cultural Capital na Yogyakarta.

Tinaya sa walong villages na malapit sa bulkan ang naapektuhan ng volcanic ash.

Huling sumabog ang Mout Merapi noong 2010 na nagresulta sa pagkasawi ng mahigit 300 katao at paglikas ng 280k mga residente.

Simula naman noong 2020 ay nanatili ang alert status ng naturang bulkan sa second-highest level makaraang magpakita ng mga aktibidad.

About The Author