dzme1530.ph

BIR, hinimok ang publiko na maghain ng AITR bago ang April 15 deadline

Pinaalalahanan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayer na maghain at magbayad ng kanilang annual income tax returns (AITRs) bago ang deadline sa April 15, araw ng Lunes.

Sa advisory, binigyang diin ni BIR Operations Group Deputy Commissioner Maidur Rosario, na importanteng magampanan nang tama ng taxpayers ang kanilang obligasyon na napakahalaga para sa pag-unlad ng bansa.

Inihayag ng BIR na dapat i-file ng taxpayers ang kanilang 2023 AITRs, electronically, sa pamamagitan ng ebirforms o efps na downloadable sa BIR website.

Pinapayagan naman ang manual filing kung hindi available o hindi accessible ang electronic platforms.

About The Author