Mahigit 700 ang kabuuang pamilya na pinalikas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Region 1 at 2, dahil sa banta ng tsunami matapos ang magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan kahapon.
Dahil dito, suspendido na ang klase mula sa “pre-school hanggang secondary” sa Region 1 at region 2, sa lalawigan ng Batanes Cagayan at Isabela, kabilang dito ang mga lugar ng Ivana, Mahatao, Sabtang, Uyugan, Calayan, Camalaniugan, Gonzaga at Divilacan.
Habang “all levels” naman sa mga probinsya ng Chanarian, Basco, Ballesteros, Buguey, Claveria, Pamplona, Sanchez Mira, Santa Ana at Santa Teresita.
Pansamantala na ring itinigil ang pasok sa trabaho sa mga lugar sa Cagayan, Abulog, Ballesteros, Pamplona, Sanchez Mira, Santa Ana at Divilacan.