dzme1530.ph

Face to face classes para sa public at private school sinuspinde ng Pasay LGU dahil sa matinding init ng panahon

Ipinag-utos ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay ang pagsuspinde ng face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan dahil sa matinding init ng panahon ngayong araw ng Miyerkules, Abril 3, 2024.

Ayon kay Pasay City Mayor “Emi” Calixto-Rubiano, ang suspensiyon ng F2F classes ay para sa lahat ng antas.

Inirekomenda ng Pasay City Disaster Risks Reduction Management Office (PCDRRMO) ang pagsususpinde ng klase sa Local Chief Executive matapos maitala ng (PAGASA) nitong Martes ang 42°C heat index sa NAIA, Pasay City.

Sinabi ng state weather bureau na tataas ang heat index sa Pasay City hanggang 43°C ngayong araw ng Miyerkules.

Nilagdaan ni Mayor Calixto-Rubiano ang Executive Order ICR No. 42 kahapon, upang hikayatin ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na ilipat ang kanilang mga aktibidad sa online classes o anumang naaangkop na alternative modality sa pag-aaral upang maiwasan ang masamang epekto ng nakakapasong init dulot ng El Niño Phenomenon.

About The Author