dzme1530.ph

Dalawang bayan sa Marinduque, isinailalim sa state of calamity bunsod ng tumaas na kaso ng rabies

Idineklara ang state of calamity sa mga bayan ng Boac at Buenavista, sa lalawigan ng Marinduque, bunsod ng tumaas na kaso ng rabies.

Ayon kay Provincial Veterinarian, Dr. Josue Victoria, mayroong dalawang residenteng nasawi at 89 na naiulat na kaso ng rabies sa mga aso sa iba’t ibang bayan.

Aniya, mula sa 89 reported cases sa mga aso, 42 ang nakumpirma sa pamamagitan ng laboratory tests.

Inihayag ni Victoria na mayroon nang outbreak sa Boac at high risk na rin ang iba pang munisipalidad, gaya ng Buenavista, Gasan at Mogpog.

About The Author