dzme1530.ph

Pag-amyenda sa konstitusyon ng bansa, hindi prayoridad ng senado —SP Zubiri

Nanindigan si Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi prayoridad ng senado ang pag-amyenda sa konstitusyon ng bansa. 

Sinabi ito Zubiri matapos niyang personal na masagap mula sa isang source na isa umano sa mga idinadahilan ng mga nagsusulong ng black propaganda laban sa kanya ay ang kanyang posisyon sa Cha-Cha. 

Paliwanag ni Zubiri, mahaba at matagal na usapin ang Cha-Cha lalo pa’t maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagsabi na wala rin ito sa kanyang prayoridad. 

Nanangamba rin ang senador na maaari pang maipasaok sa pag aamyenda ng konstitusyon ang mga political ammendments, matanggal ang term limits o extension ng mga termino. 

Aniya, mas mainam na pagtuunan ng pansin ang mas mahahalagang trabaho gaya ng post-pandemic recovery ng bansa. 

About The Author